Barbie finds Daniel Matsunaga an ideal bf

Noel Asiñas
Inamin ni Barbie Forteza na kinikilig siya kapag magkasama niyang nakikita sa Party Pilipinas sina Daniel Matsunaga at Heart Evangelista. Para kasi sa young star, ideal boyfriend si Daniel. Kaya nga niya crush ang dyowa ni Heart ngayon, pati na si Dennis Trillo.

“Kitang-kita ko kay Daniel ang ginagawang pag-aasikaso kay Heart kapag magkasama sila. Kung magkaka-boyfriend ako, tingin ko ganoong guy din ang magiging ideal ko,” say ni Barbie sa presscon ng Ikaw Lang ang Mamahalin

Pagbubuko pa ni Barbie sa pitong beses na niyang ka-loveteam na si Joshua Dionisio, bumabait na raw ang kanyang leading man.

Noon daw kasi, may pag-kabarumbado si Joshua at laging mainitin ang ulo. Tingin ni Barbie, nag-mature na si Joshua.

Mapapanood na ang ILAM simula sa Lunes, kapalit ng Sinner or Saint.