Rhian Ramos the “Princess of Horror Movies” ?
Hindi na namin nahintay si Rhian Ramos sa set ng The Road dahil ang layo pa niya sa location sa may Lagro. Ang ganda sanang itanong kung okey sa kanyang tawaging “Princess of Horror Movies” dahil third na ang The Road sa horror films na ginawa niya.
Nauna na niyang ginawa ang Ouija at Sundo at baka madagdagan pa.
Marami ring issues kay Rhian, gaya ng may kinalaman siya sa pagkaalis ni Isabelle Diaz sa Manny Many Prizes at ang pinag-uusapan sa Net na nagkabalikan sila ni Mo Twister.
Dahil hindi namin nakausap, sa presscon na lang ng movie na gagawin daw sa Star City namin itatanong ang mga ito. Sa October 12 ang opening ng movie at Oct. 11 daw ang premiere night. By that time, madadagdagan pa ang issues kay Rhian.--Nitz Miralles