Pacquiao, iba pang Kapuso stars, gustong makasama ng Moymoy Palaboy sa video
GMA News |
Sa In The Limelight ng GMA News TV nitong Miyerkules, ikinuwento ng magkapatid na ang latest hit video nila sa Youtube with Rhian Ramos ay kinunan lang
sa dressing room ng Manny Many Prizes.
Sa naturang video, ni-lip sync nina Moymoy Palabay at Rhian ang "Super Bass" ni Nicki Minaj.
Patok daw kay Rhian ang Super Bass dahil rap song ito na hindi laging nakikita ng mga tao sa actress-host.
Mula nang i-upload nila ang video noong Linggo, umabot na ito sa 171,252 hits and views. Inaasahang aabot din ito sa mahigit one million views gaya ng iba nilang nagawang videos.
Kwento pa ng magkapatid, isa sa mga una nilang nakila si Rhian nang mapunta silaBubble Gang.
Noon pa raw nila gustong gumawa ng video with Rhian pero hindi sila makahanap na pagkakataon.
“Game na kasi si Rhian noon pa… tara gawa tayo ng video tapos nagkaroon na nga ng chance… nagkasama sama kami sa Manny Many Prizes, nagka-bonding kami dun, gumawa na kami ng video," kwento ng magkapatid.
Kung nagkataon na nasa dressing room din si Pacquiao, tiyak ang Moymoy Palaboy na nakasama sana nila ang pambansang kamao.
Sa naturang video kasi, may special participation ang ibang member ng Manny Manny Prizes gaya nina Pekto, Onyok Velasco at Gladys Guevarra.
Noong 2009, ginawa ng Moymoy Palaboy ang video with Jennylyn Mercado na umabot na sa 1.6 milyon ang views. Samantalang over 3 million naman ang views sa video nila with Mark Herras.
Bukod kay Pacquiao, gusto rin daw ng magkapatid na makasama sa video ang magkasintahang Marian Rivera at Dingdong Dantes.