Janno at Bing, okey na okey ang relasyon!
Rose Garcia |
Nakilala na si Janno Gibbs bilang palaging nali-late.
In fact, hindi nga nito itinatanggi na naging dahilan ‘yun kung bakit may time na nawala siya sa SOP noon.
Pero ipinagmamalaki ni Janno na ngayon daw, mula nang magbalik siya, bukod sa mas passionate siya ngayon sa trabaho, never na rin daw siyang nali-late.
“Hindi na ako nali-late. Mula noong bumalik ako, hindi na, never na nangyari ‘yun!”
Aminado naman si Janno na ang naging problema niyang talaga ay ang matinding insomnia mula pa noong bata siya na hanggang sa tumagal, mas lalo pang lumala. Hindi rin niya ikinakaila that he had to consult a professional help na for his sleeping problem.
Kung meron din daw na super happy sa nakitang pagbabago niya at pagbabalik ng passion niya sa work, ito ay ang kanyang pamilya. Bukod sa mga magulang, ang dalawang anak at misis na si Bing Loyzaga raw talaga ang super happy sa kanya.
“Siyempre si Bing, happy siya, nagwo-work ako ulit. Actually, sila naman kasi, my family, alam naman nila talaga kung ano ang nangyari.”
Minsan pa, itinanggi nga ni Janno na may problema sa pagsasama nilang mag-asawa.
“Wala! We’re okay. Noong may nakakita nga sa amin noong anniversary ng PPL, parang marami pala ‘yung nagulat. Kasi, iniisip talaga ng iba, may problema sa amin ni Bing. Wala talaga. Masaya ang family.
Kami talaga ni Bing, ever since naman, hindi kami ‘yung mahilig magpa-interview, magsalita. So, kapag may isyu, wala lang. Pero okay kami.
‘Yung magkahiwalay raw sila ng bahay, magkatapat lang?
“Hindi totoo ‘yun! Walang ganoon,” natatawang sabi na lang ni Janno.
On the other hand, sobra ang excitement niya sa nalalapit niyang concert na ‘Janno Gives’ sa October 15 sa Music Museum. Marami raw bagong gagawin si Janno but at the same time, mapapanood pa rin siya sa pag-i-impersonate. Meron daw siyang mga bagong ii-impersonate. Ang Yes Pinoy Foundation ang beneficiary ng concert ni Janno at bongga rin ang line-up ng guests niya with Dingdong Dantes, Dennis Trillo, Jaya, Jolina Magdangal, Jennylyn Mercado and Marian Rivera.