Baby ni Regine, tama lang ang sukat
Ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez ay nag-stay lang sa bahay nila sa Quezon City.
Paminsan-minsan ay nagmo-malling ang mag-asawa, pero kahapon ay a big no, no sa kanila ang lumabas dahil sa bagyo.
30 weeks pregnant na si Regine at sandali na lang ang ipaghihintay ng mag-asawa kay Baby Nathaniel.
Sabi ni Ogie sa akin, ayon sa OB-Gyne ni Regine, very healthy ang bata sa sinapupunan ng kanyang misis.
“Just the right size lang daw si Baby Nathaniel,” sey ni Ogie.
Sabi pa ni Ogie, very blessed baby ang dinadala ni Regine at masasabing very blessed pregnancy ‘yon.
Kung excited na ang mag-asawa sa nalalapit na pagsisilang ni Regine, excited din ang kanilang malalapit na mga kaibigan na makita na si Baby Nathaniel.--Jun Lalin