Bela Padilla representative sa Asian Supermodel!
Mga gawa ng mahusay na designer na si Nono Palmos ang national costume na irarampa ng mga representatives ng bansa sa gaganaping Asian Supermodel sa China. Kasama sa Philippine representatives ang GMA Artists Center (GMAAC) stars na sinaBela Padilla and Fianca Cruz at ang professional na si Kimberly Tan. Ang latest accomplishments ni Nono coincides sa launch ng kanyang newest collection sa trendsetting design.
“Today, fashion trends are inspired largely by life. Gone are the days when fashion designers can dictate a trend or style based solely on their creative imaginations. Fashion has gone into a state wherein designs are dictated by the people themselves,” sabi kamakailan ng designer sa isang interview.
Ang Asian Supermodel ang tinatawag na region’s biggest model contest na sinasalihan ng 30 young beauties mula sa iba’t ibang bansa sa Asya – China, Japan, South Korea, Mongolia, Vietnam, Singapore, Malaysia, Indonesia, Thailand, and India.
Ang competition ay open sa 16-24 years old na girls na may “Asian style and charm.”
Last year, nag-shine ang reps natin – sina Mariana del Rio, Bianca Paz, andGwen Ruais.
Wagi noon si Mariana na third runner-up habang sina Bianca and Gwen ay nanalo ng special awards – Ms. Photogenic and Best Runaway Walk, respectively.
Si Ms. Ida Henares, GMAAC head, naman ang kauna-unahang Filipino judge ng competition na usually pala ay dino-domina ng China, Korea, and Japan kaya ngayon ay member na siya ng Asian Model Association.--Salve Asis