Si Jillian Ward ang batang daldalita
Nagsabi ng totoo si Jillian Ward sa tsinikang Daldakina ang next show niya sa GMA 7 after Captain Barbell. Title pa lang, alam na kung ano ang role ng bagets na bukod sa hyper, hindi napapagod sa pagkukuwento. Reunion din nila ito ni direk Don Michael Perez na naging director niya sa Trudis Liit.
Ang Daldakina raw ang ipapalit sa Futbolilits. Sa August 18 na ang storycon at first week ng September ang taping at for airing sometime in October.
Makakasama dito ni Jillian sina Ogie Alcasid at Gelli de Belen na gaganap na kanyang mga magulang. Join din sa cast sina Elmo Magalona at Julie Ann San Jose.