Carla has a new leading man
Kuntento na rin si Carla Abellana sa leading man niyang si Mike Tan sa bago niyang project sa GMA-7 na may title na Kung Aagawin Mo Sa Akin.
Hindi naman daw kasi siya ’yung tipong nagdi-demand sa actor na makakasama sa project.
“Basta the role is nice, it doesn’t matter kung sino ang aking leading man. I’ve read the script and I like it very much. Besides, it’s work and on my part, I will do my best para magustuhan ng mga tao ang trabaho ko,” rason ni Carla nang aming makausap.
Pero sa totoo lang, once ipalabas ang My Neighbor’s Wife, rebelasyon ang husay sa pag-arte ni Carla at kahit angat sa kanya si Lovi Poe, walang dahilan upang ma-insecure ang byuti niya sa young actress, huh!
Sa nasabing movie, lahat ng artista ay may moment, pero ang walang takot na pakikipaglaplapan kay Dennis Trillo ang kabilib-bilib na ginawa ni Carla.----