GMA Records patuloy ang paghahatid ng saya
![]() |
Latest Release |
Patuloy sa paghatid ng saya ang GMA Records sa mga bagong carrier singles, music albums, at DVD compilations.
Una sa listahan ang new single ni Frencheska Farr na Isama Mo Ako, na isa sa theme songs ng telefantasyang Captain Barbell. Bukod sa pagiging parte ng Captain Barbell cast, napili si Frencheska bilang Take Off Artist of the Month ng Channel [V] ngayong Abril.
Maglalabas ng album si Janno Gibbs na may titulong The Janno Gibbs Anthology.
Andito ang duets ni Janno with Jaya, Jennylyn Mercado and Jolina Magdangal, at isang collaboration with Andrew E.
Nagbabalik sa music scene si Jan Marini na may bagong album, ang Once. Carrier single nito ang awiting White Walls na siya mismo pa ang nag-compose.
Mapapanood na sa DVD ang telefantasyang Mulawin nina Richard Gutierrez, Angel Locsin at Dennis Trillo.
Mabibili pa rin sa DVD ang Pepito Manaloto, Endless Love, Stairway to Heaven at First Time sa murang-murang halaga.
Mabibili na rin ang Mga Awit Kapuso (Sarap Maging Kapuso), isang 14-track compilation album na naglalaman ng theme song ng 60th Anniversary ng GMA na KaySarap Maging Kapuso by Frencheska Farr, Geoff Taylor & Jay Perillo; ang main theme song ng Captain Barbell na Sandata na inawit ng Shamrock; at ang Panata 3 Serbisyong Totoo na theme song naman ng News & Public Affairs ng Kapuso Station.
Sugod na sa Astroplus, Astrovision, Odyssey, SM Music Box, at The Landmark outlets nationwide para sa latest offerings ng GMA Records.
