Aljur, Mark udergo acting workshops


Kasalukuyan pala na nagwo-workshop ang dalawang premyadong young actors ng GMA7 na sina Aljur Abrenica at Mark Herras sa mga batikang acting trainers ng bansa.
Hindi isa, kungdi dalawa pang trainers ang kinuha ng GMA at ng Regal Films.
Both Aljur and Mark are bankable leading men ng network, na napatunayang may kakayahang magdala ng sariling show.
Kaya naman ginagastusahan sila nang husto para sa kanilang worshops.
Obviously, kaya nagwo-workshop ngayon si Aljur ay bilang paghahanda para sa isang malaking project sa GMA7 at sa movie niyang Temptation Island, na ang makakapartner niya ay si Heart Evangelista.
Dapat ay maging makatotohanan ang role ni Aljur sa kanyang mga eksena sa Temptation Island, sa role na ginampanan dati ng namayapang si Alfie Anido. Habang si Heart, sa role ni Dina Bonnevie naka-assign.
Sa pagkakatanda namin, nu’ng panahong ginawa nina Alfie and Dina ang Temptation Island, super- in love ang dalawa na that ay magdyowa na.
Kaya challenge kay Aljur ang role dahil wala naman silang relasyon sa tunay na buhay ni Heart.
Madrama pa naman ang mga eksena nila sa movie na ididirek ni Cris Martinez.
On the other hand, busy naman si Mark sa pagwo-workshop para sa susunod niyang assignment sa GMA7, na hindi nabanggit ng aming source kung anong soap ito.
