Carmina begs off from 'Heredera'


Joe Cesar


Hindi kaya ng schedule!

Ito ang dahilan kung kaya hindi tinanggap ni  Carmina Villarroel ang bagong soap na iniaalok ng GMA7, ang Heredera.

Ito ang nalaman namin mula mismo sa manager ni Carmina na si Dolor Guevarra.

Ayon kay Ms. Guevarra, dahil hindi kakayanin ng skedyul ni Carmina, minabuti nilang tanggihan ang isa pang project sa Kapuso.   Magdamagan daw kasi ang taping para sa bagong show, at the next day may taping naman ang actress/TV host for Pepito Mana-loto. 

Mayroon pa ring show na Day-Off si Carmina at pumasok pa nga itong ba-gong show na Amazing Cooking Kids  na magsisimula na sa Sabado (Abril 16) bago mag-Eat Bulaga.

Dagdag pa ni Ate Dolor, two years ang napirmahan nilang kontrata sa Kapuso Network at ngayong 2011 ito matatapos.

Pipirma ba sila pagkatapos nito?

Kung papipirmahin  daw silang muli, ayon kay Dolor.

May alok ba sa TV5?  Wala naman daw dahil alam ng Kapatid Network na loyal Kapuso si Mina.

Samantala, twelve ama-zing kids ang maglaban-laban sa Amazing Cooking Kids. May anak ng may-ari ng isang chicken grill chain, fish dealer at pulitiko mula sa Batangas.

Sila ay sina Isaiah Nabeel Almalmani, 9 years old; Xy-thon Caballero, 12; Nica Mae Fortuno, 9; Diosdado Lagman III, 12; Anastasha Pulgado, 12; Roberto Antonio Leviste, 11;  Louise Orlane Reyes, 11; Patrick Reyes, 12; Angela Clarke Rosales, 11; Paulo Sabilaya, 12; KC Rei Santos, 9 at Bernard Villabos, Jr., 9.

Ang tatanghaling  Ama-zing Kid ay pagkakalooban ng scholarship program mula sa isang cooking school. 

Tatlong sikat na chefs ang hurado rito, sina Chef GB Barlao (Vice-President of the Magsaysay Center for Hospitality & Culinary Arts), Chef Jackie Ang-Po (cooking show host and restaurateur and owner of Fleur de Lys café) at Chef Rosebud Benitez, chef mom and host of Quickfire.