Marian, ‘di intensiyong pantayan si Rosa Rosal sa Red Cross



Jun Nardo
Si Marian Rivera ang celebrity endorser ng Million Volunteer Run, ang fun run project ng Philippine National Red Cross na idaraos sa December 4 at magaganap sa leading cities at municipalities ng Pilipinas.

Walang intensyon si Marian na pantayan ang achievements ni Rosa Rosal bilang number one supporter ng Philippine National Red Cross pero bukal sa kanyang puso ang pagiging volunteer sa mga project ng organisasyon.


Hindi nag-iisa si Marian dahil sinusuportahan din ni Mrs. Lily Monteverde at ng kanyang anak na si Roselle ang PNRC.


Magkakaroon ng training sa paghahanda sa mga kalamidad at iba pang serbisyo ng PNRC ang mga sasali sa Million Volunteer Run. Para sa mga nagnanais na maging volunteer, maaari kayong pumunta sa head office ng PNRC sa Port Area, Manila at sa pinakamalapit na Red Cross Chapter sa inyong lugar o tumawag sa telephone number 527-0000.