Survivor Philippines update


Nakatakda nang umalis ang grupo ng Survivor Philippines Celebrity Edition para simulan na ang bagong season ng naturang reality show.
Pawang haka-haka lang ang nakakarating sa amin dahil tikom ang bibig ng mga taong involved dito.
Nu’ng una, ang sabi ay sa Palau Island sila magti-taping. Tapos, dito lang daw sa Pilipinas.
Ang sumunod na narinig namin ay sa China raw. Ang latest ay sa isang lugar na pinag-uusapan dahil sa isyu ng territorial sovereignty.
Ilan sa mga alam na­ming kasali ay produkto ng Starstruck at meron pa raw isa na may aaminin pag nasa isla na ito.
Ewan kung itutuloy niya iyon dahil marami ang kumokontra.
May ilang kasali ring atleta na malamang ga­ling sa Azkals at Philippine Volcanoes.
Kakaiba raw ang konsepto ngayon ng Survivor na mas exciting panoorin. Panibagong challenge ito kay Richard Gutierrez bilang host.--Gorgy Rula