Rochelle: I have nothing against Marian
Ayon kay Rochelle Pangilinan sa isang interview, natutuwa raw siya sa kanyang role bilang Marikit sa “Amaya.” Maganda ang role dahil mababaliw siya sa kalaunan.
"Prinsesang naging luka-luka," ayon sa kanya. Isa lang daw ito sa dahilan kung bakit masaya siya sa set ng “Amaya.” At wala raw naman siyang problema sa lead star na si Marian Rivera. "Wala akong nakikitang negative sa kanya," sabi pa ni Rochelle.
Ang opinyon namin: wala siyang problema kay Marian dahil una, ang boyfriend niyang si Arthur Solinap ay pinsan ng boyfriend ni Marian na si Dingdong Dantes.
Sa madaling salita, hindi siya kalaban ni Marian. Subukan kaya niyang i-flirt ang pinsan ng bf niya? 'Yun lang.--Bong de Leon