Miss World gagamit ng interpreter!
Sa Linggo na pala mapapanood ang coronation night ng Miss World Philippines sa GMA 7, 10:00 p.m.
Gaganapin ito sa Philippine International Convention Center (PICC) Plenary Hall.
Twenty five finalists ang maglalaban-laban para sa isang korona. Dumating pa ng bansa ang Miss World Organization president na si Stephen Douglas galing London para i-witness ang ground-breaking event. Ang reigning Miss World na si Alexandria Mills ang personal na magko-korona sa mananalo sa Linggo. Yup, nasa bansa na naman ang reigning Miss World. Pangalawang punta na niya sa ‘Pinas.
Sina Dingdong Dantes, Carla Abellana at Isabelle Daza ang magiging hosts ng coronation night at magpi-perform sina Mark Bautista at Aljur Abrenica.
Ang mananalo ng korona ay tatanggap ng condominium unit sa Sea Residences ng SMDC at P1 million cash prize.
May ilang contestant sa Miss World Philippines ang galing na sa ibang beauty pageant. Pero hindi worried si Ms. Cory Quirino, ang may hawak sa bansa ng franchise ng nasabing beauty contest. Ang katuwiran niya, bukas ang contest sa mga gustong sumali kaya walang problema sa kanila.
Nabanggit din sa ginanap na presscon kahapon na gagamit sila ng interpreter. Yup, kahit sa coronation night kung may contestant na magri-request ng interpreter, magpo-provide ang organizer.
At ang mananalo ay magbibitbit din ng interpreter sa London.
Naging issue kasi lately ang nangyari kay Shamcey Supsup na 3rd runner-up sa katatapos na Miss Universe. May mga nagsabi na kung gumamit siya ng interpreter ay baka mas tumaas ang rank niya at nakapag-isip pa ng isasagot. Ganito rin ang naging issue noon kay Venus Raj.So abangan natin kung sino ang mananalo sa Linggo at kung ano ang magiging kapalaran niya sa Miss World na gaganapin sa London ngayong taon.--Salve Asis