this blog is under construction at this time,thank you
Lovi, kabugera sa paseksihan
Damang-Dama namin ang excitement ni Mother Lily Monteverde sa upcoming movie ng Regal Entertainment na My Neighbor’s Wife. Napanood na ni Mother ang kabuuan ng movie at puring-puri niya ito. All praises siya kay Direk Jun Lana at sa mga artista ng MNW na sina Lovi Poe, Dennis Trillo, Carla Abellana at Jake Cuenca. Kung kabugera si Lovi pagdating sa paseksihan at sa daring love scenes, gaano katotoo na revelation ang acting ni Carla sa pelikula? Ang dinig namin ay napaarte nang husto ni Direk Jun si Carla at lumabas ang galing ng dalaga sa MNW. Sa tweet ni Direk Jun Lana ay tuwang-tuwa niyang ibinalita na R-13 without cuts ang ibinigay na rating ng MTRCB sa My Neighbor’s Wife. Sobrang natuwa rin siya dahil ‘yung members ng board na nag-review nito ay nire-rave ang movie. Ayon sa Palanca award-winning director ng MNW, kahit mature ang subject matter ay hindi lang basta hubaran at love scenes ang pelikula. Provocative ito pero may mahalagang mensahe patungkol sa modern marriages at contemporary relationships. Maging si Ms. Roselle Monteverde-Teo ay ramdam namin ang pagka-excited sa pelikula. Nag-tweet ito sa amin na nasa final mix na sila ni Direk Jun ng MNW at excited na siyang mapanood ito ng publiko sa premiere night nito sa Linggo sa SM Megamall. Bilib na bilib si Direk Jun sa kanyang apat na bida na bukod sa magagaling ay nag-gel kaagad at may chemistry sa isa’t isa. Sa kanilang shooting, madalas ay humihingi siya ng iba pang versions ng mga eksenang kinukunan nila at walang angal ang mga ito. Very good at very professional ang description niya kina Lovi, Dennis, Carla at Jake. Nai-tweet din ni Direk Jun na nagalingan ang MTRCB reviewers sa performance ni Dimples Romana na kasama rin sa pelikula. Bongga ang linya ni Dimples sa movie na, “Congratulations, my dear. You are now officially a certified homewrecker!” Sa Setyembre 14 ang showing ng My Neighbor’s Wife nationwide.