Jay-R wants to go international
Ayon kay Prince of Soul Jay-R, hindi naman naging mahirap ang paalaman nila ng dating manager na si Arnold Vegafria although aminado siyang matagal niya talagang pinag-isipan ang desisyong ito.
Seven years ang pinagsamahan nila ni Arnold at aminado naman ang singer na maraming nagawa ang dating manager sa kanya.
Pero dumating na rin sa puntong gusto na niyang ma-broaden ang kanyang horizon.
“At this point sa career ko, parang feeling ko, my music should be heard sa ibang bansa na. I want to go international. Kasi, we’ve been focusing more on local TV shows, mga teleserye, ganyan. Hindi ko forte ‘yun, e. Gusto ko talaga, music talaga,” sabi ni Jay-R.
Kaya naman naisip niyang lumipat sa Stages ni Carlo Orosa na siya ring nagma-manage sa career ni Sam Concepcion, Enrique Gil, Karylle and Christian Bautista, among others.
Ang Stages daw kasi ay maraming contacts sa ibang bansa lalo na sa Malaysia, Indonesia and Singapore tulad na nga lang ng ginagawa nila sa career ngayon ni Christian and Karylle.
At this point in time, ayon kay Jay-R, he wants his music to be known na rin internationally.
Nang kausapin niya si Arnold ay naintindihan naman daw nito ang gusto niyang mangyari kaya naging maayos naman ang kanilang paghihiwalay.
Kasamang lumipat ni Jay-R sa Stages ang girlfriend niyang si Krista Kleiner na natapos na ang kontrata sa GMA Artist Center noong May. They signed up a one-year contract each with option to renew.
Since wala nang kontrata sa GMA-7 si Krista ay open na siyang magtrabaho sa ibang network samantalang si Jay-R naman ay may existing contract pa sa Kapuso.
Kasalukuyang napapanood ang Prince of Soul sa Protégé at Party Pilipinas. His first project sa Stages ay ang release ng album niyang Soul in Love sa Malaysia.
Si Krista naman ay ilo-launch ng Stages as an ultimate performer dahil pwede siyang kumanta, umarte, magsayaw at mag-host. Nakatakda rin siyang mag-release ng kanyang solo album produced by Jay-R.--