Barbie, itinanggi ang holding hands kay Joshua sa sinehan


Mali ang tsismis ng mga fans na dalawa lang sina Barbie Forteza at Joshua Dionisio na nanood ng sine at magka-holding hands pa raw ang dalawa nang pumasok sa sinehan.

Kuwento ni Barbie, kasama raw niya ang parents niya. Dapat daw ay kasama rin ang parents ni Joshua, pero hindi raw nakasama dahil may lakad ang mga ito sa araw na ‘yon.


Anyway, napakatatag nga ng loveteam nina Barbie at Joshua kaya inaalagaan talaga sila ng GMA7.

Busy ang dalawa sa taping ng bago nilang panghapong serye na ipapalit daw sa Sinner Or Saint.

Subsob din si Barbie ngayon sa shooting ng The Road ng GMA Films. At kahit busy sa trabaho, naghu-home study rin siya, at naka-enroll siya ngayon sa School of Tomorrow sa Ortigas.


Pareho silang nag-aaral doon ni Bea Binene na sinasabing magiging mahigpit niyang karibal sa stardom.

Pero, wala raw rivalry sa kanila ni Bea.