Mark denies courting Solenn
Isa sa mga masugid na manliligaw daw ngayon ni Solenn Heusaff ang sikat na singer na si Mark Bautista.
Nagsimula raw ang closeness ng dalawa nu’ng magkaroon sila ng production number sa Party Pilipinas.
Pero sa re-launching ng album ni Mark under Viva Records na Nagmamahal, super-tanggi si Mark sa naturang isyu. Sinabi lang ng singer-actor na super-close lang sila ni Solenn at wala pa raw siyang lakas ng loob na ligawan ang sexy actress.
Alam din ni Mark na maraming nagkakagusto kay Solenn at alam niyang malaki ang lamang ng ibang suitors nito kesa sa kanya, kaya okey na lang daw na magkaibigan muna sila.
“Kahit sino naman lalaki, hindi puwedeng hindi mapansin si Solenn. She is sexy, very beautiful at napakabait na tao. At first, akala ko isnabera siya, because of how she looks. Pero deep inside, mabait siyang tao at ’yun ang nagustuhan ko sa kanya,” tsika ni Mark.
Inamin din ni Mark na intimidating ang dating ni Solenn dahil malakas masyado ang sex appeal nito.
“Parang may mga standards siya when it comes to guys na manliligaw sa kanya. ’Yun ang unang impression ko sa kanya.
“But as I work with her sa Party Pilipinas, na-discover ko na she’s a simple girl lang pala. Nagkaroon lang siya ng image kaya parang malakas ang dating niya,” sabi pa ni Mark.
Pero right now, hindi raw niya priority ang lovelife dahil ini-enjoy niya ang pagiging single and available.
Hilig niya ngayon na bumiyaheng mag-isa sa iba‘t ibang bansa.
“These are the things na gusto kong magawa bago ako pumasok sa ibang chapter ng buhay ko.Like nga-yon, I’m into songwriting na rin. I wrote the song Bakit at nakasama sa album ko. Ta-pos ginawa pang theme song ng GMA7 Koreanovela na Gourmet.
“Marami pa akong songs na nasulat at unti-unti ko siyang ilalabas sa future album ko. Hopefully, mag-karoon ako ng isang all-original album at wala nang cover versions,” pahayag ni Mark.