Manny's dream comes true

Matagal nang pangarap ni Manny Pacquiao na magkaroon ng gameshow kaya laking pasalamat niya sa GMA7 at natupad ito sa Manny Many Prizes  na mapapanood na ngayong July.

“Gusto ko kasing makatulong sa mga kababayan nating naghihikahos. Salamat sa GMA7 at tinupad nila ang pangarap ko.

“Sa pilot episode pa lang ng Manny Many Prizes, magbibigay na kami ng house and lot sa  mapalad na contestant. Gusto ko kasing mag-share ng blessings sa mga kababayan lalo na sa mga karapat-dapat na tulungan,” say ni Pacman.

Ipinagtapat din ni Manny na co-producer siya ng Manny Many Prizes pero hindi na niya sinabi kung paano ang sharing nila ng Kapuso. Basta ang mahalaga raw, magkakaroon na rin ng pagkakataon ang mga kababayan nating umasenso sa buhay sa pamamagitan ng pagbibigay niya ng cash, house and lot at mamamaha-ling kotse.

Hindi lang ang mga ma-giging contestants ng MMP ang masusuwerte, maging ang co-hosts ni Pacman sa gameshow na sina Rhian Ramos, Isabelle Daza, Gladys Guevarra, Paolo Contis at Onyok Velasco, mapapalad din dahil nangako si Manny na kahit saan siya mapunta, doon nila gagawin ang pamimigay ng mga papremyo.

“Kapag may laban ako sa American, doon namin gagawin ang pamimigay ng premyo sa show. Isasama ko sila (co-hosts) at  doon kami magte-taping ng show,” pangako ni Pacman.

Hindi na raw mangyaya-ri na kapag may laban siya sa ibang bansa, pansamantala siyang mawawala sa kanyang show tulad sa sitcom niyang Show Me Da Manny na may nagsa-substitute sa kanya. Sa tanong kung magkakatapatan sila ng show ni Willie Revillame, sabi Manny, hindi niya inisip ang tapatan nila.

“Walang personalan. Ang sa akin lang, mag-share ng blessing at hindi para makipagtapatan. Ma-saya ‘yung may programang namimigay ng papremyo sa mga kababayan nating na-ngangailangan,” sabi ni Cong. Manny,  na kung tawagin ngayon ay ‘Ninong.’