Tween Hearts the movie premieres August 2011

Tuloy na ang Tweenhearts the Movie at noong Thursday, ginawa na ang storycon na dinaluhan ng buong cast.
Si Mark Reyes ang director nito. Maganda ang kanyang plano sa pelikula na may August playdate.
Excited din si Annette Gozon-Abrogar dahil matagal na niyang project ito.
In fact, Suddenly It’s Magic ang una niyang naisip na title ng movie, pero hindi na magagamit dahil ang theme song nito ay ginamit sa My Valentine Girls movie ni Richard Gutierrez.
Nagtu-tweet ang cast papuntang storycon at ’katuwa ang tweet ni Barbie Forteza na hindi niya alam na pinalitan ang time ng storycon, kaya na-late siya.
Sa May 17 na ang first shooting day at tiyak na masaya ang muling pagsasama-sama ng original cast ng Reel Love presents…Tweenhearts.
