Solenn,‘di na idedemanda ang writer na nanira sa kanya

Mildred Bacud   


Wala raw plano ang baguhang aktres na si Solenn Heussaff na magdemanda sa kolumnistang nagsulat tungkol sobrang kalasingan n’ya sa Boracay last Holy week na kinailangan pa raw siyang buhatin ng apat na kalalakihan para madala sa kanyang kuwarto.
Nakatatawa raw ito dahil kung true ay enough na raw ang isang taong bubuhat sa kanya. Maliit na isyu lamang daw ito para patulan pero weird. Sana lamang daw ma-verify muna ang kuwento bago masulat.
Aktor, adik na sa online game
SINO kaya ang kilalang aktor na ito na naloloko sa online gaming lalo na ang bingo on line?
Inuumaga raw si aktor at walang pakundangan kung matalo ng P50,000 pataas.
Sa panahon n’ya noon ay sumikat nang husto si aktor. Matagal nawala sa showbiz pero nakabalik naman. May regular na programa s’ya ngayon.