Rhian nagpalit na ng number para hindi na makontak ni Mo
Nitz Miralles
Si Mo Twister na lang ang nagti-tweet sa break-up nila niRhian Ramos dahil ang aktres ay pansamantalang tumigil mag-tweet habang mainit pa ang isyu sa kanilang dalawa.
Totoo kaya ang tsikang pinalitan ni Rhian ang kanyang phone number para hindi na siya i-text at tawagan ni Mo?
Mukhang grabe ang pinag-awayan ng dalawa para humantong sa masalimuot na break-up at para maapektuhan ng husto si Mo.
Ang tweet nga nito, kailangan niya ng dasal ng mga kaibigan.
