Mo tries to mend fences with Rhian
Hindi umamin sina Rhian Ramos at Mo Twister na nagkaroon sila ng relasyon.
Pero aminado naman silang they go on private dates.
Ngayon, balitang break na ang dalawa at si Mo umano ang nakipag-break sa dalaga nang i-post niya ang tungkol dito sa kanyang Twitter account.
From there, nagpalitan na ng tweets ang dalawa.
Nag-post daw si Rhian ng: “Exactly 1yr of being together, we have broken up. Thank you for loving me. It had amazing moments and I’m sorry..”
Marami ang nagsabing nabasa at ikinagulat ni Mo ang tweet ng young actress kaya nag-dialogue daw ito ng “really?”
Hanggang humaba na nga raw ang palitan ng dalawa.
Naku, hindi kaya may mga naninira lang sa relasyong ito nina Mo at Rhian?
Wala kasi si Mo noong Miyerkules (May 4) sa Juicy at ayon kay Nanay Cristy Fermin inaayos daw nito ang “gusot” nila ni Rhian.
