Epicserye ni Marian, pinakamagastos at pinakamalaki sa bagong project ng GMA-7!
Nitz Miralles
Hindi pa masabi ni Ms. Wilma Galvante, kung magkano aabutin na magagastos ng GMA Network sa Amaya, pero ang epic serye ang pinakamagastos at pinakamalaki sa bagong project ng network. Sa cast palang, more than 30 na ang kasama sa pangunguna ni Marian Rivera at tiyak na marami pa ang papasok.
Kinailangan nilang kumuha ng resource persons mula sa University of the Philippines para tumulong sa creative staff at dagdag na gastos ang original compositions at musical score ni Von de Guzman na kailangan sa Amaya.
Kinagalitan sila ni Atty. Felipe Gozon sa laki ng budget pero pinirmahan din ang budget. Sabi pa ni Ms. Wilma, hindi pre-sold sa mga advertisers ang epic serye at babasahin at titingnan pa rin ng mga ito ang ratings. Pero kampante si Ms. Wilma na kikita ang GMA 7 sa Amaya, babalik kahit 20 percent lang ng puhunan nila.
Amaya, pinakamahal na teleserye ng GMA-7!
Written by : Vir Gonzales
PINAKAMAHAL daw na teleserye ng GMA ang Amaya na pinagbibidahan ni Marian Rivera na kinunan pa sa Rockview Resort in Bolinao, Pangasinan at directed by Mac Alejandre.
More than 200 male applicants ang nag-workshop kamakailan para sa serye at isa sa mapalad na nakalusot para mapabilang sa cast nito ay ang balikbayang seaman-actor from Guagua, Pampanga na si Albert Guiao.
Six feet tall ang height ni Albert na isa ring dating basketball player na nagtatrabaho ngayon sa Magsaysay Shipping. Nakatrabaho na niya noon sina Gardo Versoza, Mon Confiado, AJ Dee at Bulacan Vice Governor Daniel Fernando.
Kuwento ni Albert, humahanga siya kay Marian kahit mainit ang araw ay wala raw itong reklamo. Maging si Direk Gina Alajar ay tuloy sa shooting niya kahit nakakapaso ang buhangin sa resort.
Nagpapasalamat si Albert kay Jenny Molino ng GMA-7 sa pagtulong sa kanya na mabigyan ng break sa telebisyon.
Hindi na mapapanood ni Albert ang apperance niya sa Amaya dahil any time now ay babalik na siya sa barko.