Sid anak ng national artist ang bagong gf


                                               Nitz Miralles

Girlfriend ni Sid Lucero ang kasama sa 8th Golden Screen Awards, pero bagong GF ‘yun ng actor dahil hindi na pala sila nagkabalikan ng ex niyang galing sa Delgado family at seven years niyang nakarelasyon.
Bea raw ang pangalan ng bagong GF ng aktor na anak ng isang national artist at drummer ng all-girl band na General Luna. Maganda at matangkad ang GF ni Sid at nakita naming holding hands na rumampa ang dalawa sa red carpet.
Si Sid ang isa sa dalawang leading men ni Marian Rivera sa Amaya na sa May na ang grand premiere. Tama ba ang balita naming naka-bahag din ang actor sa mga eksena niya sa epic serye?