Munting Heredera premieres May 9





Nag Taping na si Camille Prats bilang kapalit ni Carmina Villarroel sa Munting Heredera , ang Kapuso serye na mapapanood sa May 9, sa direksiyon ni Maryo J. delos Reyes na ang setting ay sa  Batangas.

Ayon kay Direk Maryo J, wala siyang angal na si Camille ang kapalit ni Carmina sa Munting Heredera.  Very effective daw sa dramatic scenes si Camille. Pero nanghinayang si Direk Maryo kay Carmina dahil magandang role sanba sana ito para sa aktres.   

Very pivotal kasi ang role ni Camille sa soap na ang kanyang mga kasamang bida ay mga bata. First team-up din nila ito ni Mark Anthony Fernandez at ang lalabas na matriarch ay si Gloria Romero.

Ilan sa mga hindi malilimutang pelikula ni Ms. Gloria ang Dalagang Ilokana, Mga Anak ng Diyos, Nagbabagang Luha, Magnifico, at Tanging Yaman.

At ngayon, mapapanood siya sa kanyang kauna-unahang teledrama sa Kapuso Network bilang si Doña Anastacia, isang mayamang biyuda na naghahanap sa kanyang “munting here-dera”.

Mga bagong batang babae ang tampok sa soap na nakuha sa isang audition.

Ang Munting Heredera ang magiging kapalit ng Dwarfina.

Kasama rin sa cast ng Munting Heredera  sina Katrina Halili, Neil Ryan Sese, Ynez Veneracion, Leandro Baldemor, Gabby Eigenmann, Luz Valdez, Joyce Ching, Kristal Reyes, Kristoffer Martin, at ang Asian Awards Best Actor, na nagsimula rin bilang isang child star, si Roderick Paulate.

Ipinakikilala rin sa Munting Heredera sina Mona Louise Rey, Kyle Daniel Ocampo, at Barbara Miguel, ang gaganap sa role nina Jennifer, Michelle, at Calilla, na pawang may kani-kanyang kuwento subalit isa lamang sa kanila ang tunay na “munting heredera.”