Marian-Dingdong, tinupad ang dying wish ni Diana
Madaling naaksyunan at nagawan ng paraan na makabisita at makapaglaan ng kanilang oras ang mag-sweetheart na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa isang dying girl of cancer na ang bukod-tanging wish lang ay makita ng personal ang dalawa sa iniidolo niyang artista.
Noong Martes ay nagpakalat ng message sa iba’t ibang tao na puwedeng makakilala o may konek sa dalawa ang writer na si Shirley Pizarro. Ilan sa mga friends niya sa Facebook ang pinagtanungan ni Shirley kung paano makakarating kina Dingdong at Marian ang kahilingan ng dalagita na makita nga ang dalawa.
At nu’ng nakarating nga kina Dingdong at Marian ang wish ng bata ay mabilis naman silang nakagawa ng paraan na maisingit sa kanilang schedule ang pagdalaw rito, kung saan kasalukuyang naka-confine sa AFP Hospital (formerly V-Luna Hospital).
Nang malaman nga ni Dingdong ang wish ng bata ay mabilis itong nagkumpirma, at inayos nga nila pareho ni Marian ang sked nila. At kahapon nga ng umaga ay dumalaw ang dalawa sa batang maysakit.
Anyway, nasorpresa nga nang husto si Diana Lumata, 16 years old. Hindi raw niya akalain na maga-grant pala ang kanyang wish. Ang sakit ni Diana ay tulad ng naging sakit ni Francis Magalona.
At nangako naman sina Dingdong at Marian kay Diana, na obviously ay parang pagbibigay encouragement na rin sa bata para mas lumaban pa ito sa kanyang sakit, na paggaling nga raw ni Diana ay dadalhin nila ito sa set ng Party Pilipinas para mapanood sila.
