Marian at Dingdong, sa Singapore nag Holy Week!
Nitz Miralles
Ang ganda ng bagong teaser ng Amaya, ’yung may hawak na ahas si Marian Rivera at hindi lang basta hawak dahil nakapulupot ang ahas sa kanyang braso. Sa teaser, nasisilip ang side ng boobs ni Marian at parang lumalabas na topless siya, CGI effects lang ba ’yun o totoong topless ang aktres sa nasabing eksena?
Wala pang advisory ang GMA 7 kung kailan magpi-premiere ang Amaya na marami na ang nag-aabang dahil kakaibang Marian ang mapapanood sa epicserye bilang si Amaya na isang warrior-princess. Direktor si Mac Alejandre.
Samantala, sa Singapore pala nag-Holy Week sina Marian at Dingdong Dantes at kahit ilang araw lang sila roon, nakapagpahinga, at nakapagbakas*yon ang dalawa. Nakita sila ng mga Pinoy na nagsa-shopping sa Paragon Mall sa Orchard Road. Na*tupad din kung ganun ang gusto ni Dingdong na ma*kaalis silang dalawa.
