Kylie Padilla magbibida sa remake ng "Blusang Itim"



Hindi man natuloy si Kylie Padilla sa suppo­sedly launching soap sana niya last year na Koreana na as we all know, si Kris Bernal nga ang nagbida at bumongga naman sa rating, walang duda na isa si Kylie sa ginu-groom ng  GMA-7 ngayon at planong bigyan talaga ng mas bonggang break.

Posible raw na ngayong May kung matutuloy na ang taping nito at higit sa lahat, kung may mapipili na ngang maging leading man ni Kylie, ay posible na itong magsimula ng taping.
Si Kylie na raw at wala nang iba ang gaganap sa role na unang ginampanan ni Snooky Serna sa remake ng Blusang Itim. Ang hina­hanap na nga lang daw ay ang magiging leading men ni Kylie. ‘Yung gumanap na Richard Gomez at Joel Alano sa movie.
Kung totoo rin ang nakarating sa amin, tila sa mga nag-audition daw to be Kylie’s leading man, ang pinabalik daw ulit ay ang 19 years old model son ni Chat Silayan na si Victor.
Nag-hit ang Blusang Itim noong ipalabas ito noong mid-80’s na una munang lumabas sa komiks.