Kris Bernal, Jay Perillo bare year-long relationship
AT last, inamin na rin nina Kris Bernal at Jay Perillo na may namumuong magandang relasyon sa pagitan ni-lang dalawa.
One year na raw ang re-lasyon nina Kris at Jay.
Matagal na naming nahahalatang may relasyon ang dalawa. Kasi, palaging nakabuntot kay Kris si Jay. Pakunwari ng dalawa sa mga interview noon, best friends lang daw sila. Pero, halatang-halata ang special na pagtitinginan nila. Ima-gine noong Valentine’s Day ay bukod tanging si Jay ang bisita ni Kris sa Valentine party sa bahay ng dalaga.
Sa ngayon naman ay wala nang ikinatatakot si Kris kahit hindi na sila magka-love team ni Aljur Abrenica. Pareho na silang nakakawala sa love team nila na binuo ng GMA Network noon para pasikatin sila. Nakapagsolo na si Kris sa Koreana, at si Aljur naman ay sa Illumina at Machete.
Pero, teka marami pa rin naman ang nag-aabang sa muling pagtatambal nina Kris at Aljur kahit ‘di na sila in real life.
