Kap's Amazing no. 1 noong Linggo
Nanguna ang Kap’s Amazing Stories, ang informative at educational weekend program ni Senador Ramon ‘‘Bong’’ Revilla, Jr., sa mga palabas sa GMA noong Linggo (Abril 3).
Sa 17 pang-Linggong programa ng Kapuso Channel,nakapagtala ang Kap’s Amazing Stories ng pinakamataas na household viewership sa taglay nitong 22.2% rating. Ito ay base sa Mega-Manila overnight ratings na nakalap ng Nielsen TV Audience Management.
Natalo rin ng programa ang katapat na palabas.
Simula nang umere noong 2007, consistent na matatag at malakas ang Kap’s Amazing Stories sa Sunday line-up ng GMA.
Kaya nga kahit na bakasyon, hindi kailangang itigil ang pagdaragdag ng kaalaman. Patuloy na matuto tungkol sa planetang Earth sa paghahatid ni Sen. Bong ng mga kamangha-manghang impormasyon tungkol sa cohabitants ng mga tao, from pole to pole.
Panoorin ang Kap’s Amazing Stories tuwing Linggo ng gabi pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA 7.
