Carla nakatrabaho ang judge ng America’s Next Top Model

Ruel Mendoza

Proud na proud si Carla Abellana dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na makatrabaho ang international photographer at isa sa mga judges ng America’s Next Top Model na si Nigel Barker.

Naganap nga ang photo shoot ni Carla kay Nigel para sa July issue ng Philippine Tatler magazine. Inamin nga ni Carla na sobra siyang fan ng programang America’s Next Top Model ni Tyra Banks at hindi niya akalain na one day ay makukunan siya ng litrato ni Nigel Barker.


“It’s like a dream come true,” ngiti pa ni Carla.


“Sa dami ng mga artistang babae ngayon, I am so lucky to be one of the women na magkakaroon ng photo session with the one and only Nigel Barker. Parang hindi ako makapaniwala pa kasi during my meeting with him, kinukurut-kurot ko ang sarili ko para malaman ko kung gising ba ako or nananaginip lang.


“It’s every model and actress’s dream na makunan ni Nigel Barker and I am just one of the lucky ones to have worked with him.”


Nakasama rin nga ni Carla sa bonggang photo session na iyon with Nigel ay si Heart Eva­ngelista at ang anak ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz na si Isabelle Daza.


Unang nakarating si Nigel Barker sa Pilipinas noong 2007 at nakunan naman niya for Tatler magazine that time sila Ruffa Gutierrez at Lucy Torres-Gomez.


Bilib nga raw si Nigel sa mga Pinoy dahil lumaki nga raw siya sa England na puro mga Filipino ang naging kaibigan niya. Noong bata pa raw siya, ang kanyang yaya or nanny ay isang Pinay.


“There’s this certain charm that these Filipino women have and that’s what I like to capture in a photo,” sey ni Nigel.


“I’m a photographer who wants a story in every photo shoot. And by shooting these women, especially Carla, she brought it to me and it was pretty amazing. Once she was on the set, she gave it to me and it was wonderful working with her as well as the rest of the girls.”