Bianca, mag-aaral ng cinematography sa US

Jun Lalin
Under GMA Artist Center na si Bianca King, pero naghahanap siya ng isa pang manager.
Happy raw siya sa bagong management team niya, pero mas mapu-push pa raw ang kanyang career kung may co-manager na tutulong sa kanya.
Sa ngayon, may exclusive contract sa Kapuso network si Bianca, pero dahil busy rin siya sa kanyang studies at malapit na siyang maka-graduate, nag-decide siya na huwag munang mag-Party Pilipinas.
Captain Barbell lang muna ang kanyang show.
Happy siya sa Captain Barbell dahil halos apat na beses sa isang linggo ang kanyang taping.
Gusto rin niya ang role niya sa Captain Barbell dahil mabait siya rito bilang assistant ni Eddie Gutierrez.
Bukod sa pag-aaral at pag-aartista, abala rin si Bianca sa pagdidirehe ng mga music video at next year ay mag-aaral siya ng cinematography sa Amerika.