Azenith, aprubado si Marian sa dating role sa Temptation Island!
Rey Pumaloy
Kabilang sana ang veteran actress na si Azenith Briones sa remake ng Temptation Island. Si Azenith ay isa sa mga orig na cast ng naturang pelikula.
Pero naudlot ang pagbabalik pelikula niya dahil tinanggihan niya ang offer ng Regal Films. Ayon kay Azenith, mababa raw ang talent fee na ibinibigay sa kanya.
Kuwento niya, P30K ang hinihingi niyang talent fee sa Regal, pero P20K lang daw ang gustong ibayad sa kanya. Maliit daw `yon, kaya nag-decide siyang huwag tanggapin ang offer.
At isa pa, nu’ng mala*man daw ng mister niya na P20K lang ang ibabayad sa kanya para sa appearance niya, sinabihan daw siya nito na huwag na lang gumawa ng movie.
Pero, inamin ni Aze*nith na nanghihina*yang siya na hindi na siya makakasama sa naturang pelikula.
Very memorable daw ang Temptation Island sa kanya, dahil gustung-gusto niya ang role niya bilang prostitute na sumali sa beauty pageant.
Anyway, aprubado at tuwang-tuwa naman si Azenith nu’ng malaman niya na kay Marian Rivera mapupunta ang dati niyang role. Bagay na bagay raw kay Marian ang role dahil bukod sa sexy ito, magaling daw itong mag-comedy. Hanga raw siya sa husay umarte ni Marian.
