Amazing Mind Master
Ang dami pa ring maituturing na uri ng entertainment. May bagong show ang GMA 7 every Saturday night, ang “Mind Master” kapalit ng “Man Vs Beast.” Ito ay ang tungkol sa mind reading o mentalism. May nagtatanong: gawa ba ito ng Diyos o ng demonyo?, Kayo ang maghusga.
Host dito si Nomer Lasala isa sa leading mentalists ng bansa. Kasama ang isang celebrity host linggu-linggo na magtatalakay ng interesting issues, sitwasyon at katanungan gamit ang mentalism. Sa unang pagtatanghal, kasama si Ogie Alcasid. Mapapanood din ang mga batang artista na sina Barbie Forteza, Sef Cadayona at iba pa.
Marami ang namanghang press people sa Baluarte de San Diego Gardens, Intramuros, Manila nang ipakita ni Nomer ang kanyang husay. Nahulaan niya ang page number at last word na nakasulat sa isang libro na hawak ng isang volunteer mula sa audience. Nagbigay din siya ngsample sa ilang entertainment writers na hindi makapaniwala. Tiyak na magugulat din ang mga manonood sa husay ni Nomer na masasaksihan sa “Mind Master” tuwing Sabado ng gabi, starting April 30, after “24 Oras Weekend” sa GMA 7.