Kris, excited na kay Dingdong
Rose Garcia
Madalas naman niyang sabihin sa mga interview niya na isa sa mga gusto niyang gawin ay makagawa pa ng mga pelikulang de-kalidad, pero magugustuhan pa rin ng mga manonood.
Ang alam namin, naka-set na ang The Aswang Chronicles na isa si Dingdong sa posibleng producer with Direk Erik Matti. Kung matutuloy ang plano, balita naming plano itong ipasok sa Metro Manila Film Festival ngayong December.
Matagal na ring napapabalita ang pagsasama nina Dingdong at Kris Aquino sa isang movie. Election pa lang noon ay napabalita na ito pero wala palang definite film production kung sino nga ba ang gagawa ng movie ng dalawa. Pareho kasing exclusive contract star ng magkaibang film outfit sina Dingdong at Kris.
Pero noong Martes, mismong si Kris pa ang nag-tweet na matutuloy na raw after almost a year na pinagplanuhan nga ang pagsasama nila ni Dingdong sa pelikula. Base sa tweet ni Kris, kahapon, Miyerkules naganap ang luncheon meeting nila for the movie.
Excited na nga si Kris sa movie nila ni Dingdong. At sey nga niya sa kanyang tweet, “Now it’s for real- lunch mtg tom. W/ deo, perry & dingdong dantes for our movie co-prod venture. More than 1 yr & now it will happen!”
Kinumpirma rin namin sa manager ni Dingdong na si Perry Lansigan kung totoo nga ang tweet ni Kris sa project nila ni Dingdong na pagmimitingan nila, mabilis na, “Yes” naman ang naging reply nito.
Bukod pa sa dalawang pelikulang sisimulang gawin ni Dingdong sa taong ito, tinatapos din niya ang pang-international indie film niyang Dance of the Steel Bar.
