Yasmien, iuurong ang kaso kay Baron
Gorgy Rula |
Nakatanggap kami ng text message mula sa abogado ni Yasmien Kurdi na si Atty. Ferdie Topacio na magkakaroon daw sila ng presscon kasama si Baron Geisler kaugnay sa kasong isinampa noon ni Yasmien laban sa aktor.
Kagabi ang presscon na ginanap sa Peppeton’s, pero habang tinitipa namin ang column na ito, tinawagan namin ang manager ni Baron na si Arnold Vegafria para alamin kung ano ang magaganap sa presscon.
Ang pagkakaalam ni Arnold, nagkausap na ang mga abogado ng dalawang kampo at napagdesisyunang magkaayos na.
Pumayag si Baron na maglabas na ng public apology para kay Yasmien, at pumayag na rin si Yasmien na iurong na ang kasong Acts of Lasciviousness na isinampa kay Baron ilang taon na ang nakaraan.
“Mabuting magkaayos na lang, ‘di ba? Magastos kaya may kaso?!” bulalas sa akin ni Arnold.
“Saka Baron changed a lot. Ang laki na talaga ng ipinagbago niya. Hindi na siya alcoholic at sa trabaho na lang talaga siya naka-focus. Saka mag-move on tayo,” patuloy ni Arnold.
Nakausap namin ang abogado ni Yasmien na si Atty. Topacio, matagal na rin daw gustong tapusin na ito ni Yasmien para makapag-move na siya.
Hinihintay lang daw ni Yasmien ang public apology para iurong na ang kaso.
Natuwa si Manay Lolit sa desisyon ni Yasmien na iurong na ang kaso para hindi na ito mahirapan sa kaa-attend sa hearing na idinadaos sa Bocaue, Bulacan.
Narito ang official statement ni Yasmien kaugnay sa public apology ni Baron:
“As a Christian, I accept the apology of Mr. Baron Geisler. I will pray that he has truly been totally rehabilitated and that he will no longer repeat with anyone the unfortunate acts that have led in my filing of the charges against him.
“As the Apostle Luke said in Chapter 17, the Verse is 4: ‘Take heed to yourselves: If thy brother trespass against thee, rebuke him; and if he repent, forgive him.’ Mr. Geisler has been sufficiently rebuked, and now that he appears here repentant, I forgive him.
“It is time for me to leave this sordid affair behind me and move on. I thank those who have stood by me during these trying times, including my family, friends in show business, my brethren in the Iglesia ni Cristo, and my lawyer, Brother Ferdinand Topacio, for their unwavering support.
“I wish Mr. Baron Geisler all the best in his efforts to make a new life for himself and his career.”
Kahit si Yasmien ay malaki na rin ang ipinagbago dahil naka-focus siya sa pag-aaral.
Pursigido siyang tapusin ang kursong Nursing. Malaki ang ipinayat niya dahil sa kapupuyat kapag nagdu-duty siya sa hospital.
Kasali ngayon si Yasmien sa epikseryeng Amaya.