Regine, magpapa-caesarian
Gorgy Rula |
Masayang ikinuwento sa amin ni Ogie Alcasid na nu’ng huling nagpa-check-up si Regine Velasquez, kitang-kita na handang-handa nang lumabas ang kanilang baby.
Tantiya ng kanilang doktor, baka mga third week of November hanggang first week of December manganganak ang Songbird kaya pinaghahandaan na nila ito.
“Ang haba niya! Mahaba actually ‘yung legs niya!” bulalas ni Ogie.
“Mukhang hindi siya nagmana sa amin. Parang sa Velasquez side siya nagmana. Hindi niya nakuha sa aming mga Alcasid na medyo maliliit ang mga legs,” natatawang kuwento ng songwriter.
Suggestion ng kanilang OB-Gyne na idaan na caesarian operation ang panganganak ni Regine.
“Most definitely, ‘yun ang procedure na pinili ng aming OB-Gyne.
“I think it’s safer. Ang posisyon kasi ng bata, parang kahit pilitin natin, baka du’n din papunta,” pakli nito.
Iyun na rin daw ang gusto ni Regine para mabawasan ng stress dahil nakakondisyon na sa kanyang ooperahan siya.
“Alam naman natin na ‘pag caesarian, the recovery period is longer, ‘no? But I think for our age, baka mas preferable na caesarian na.
“Parang mas nagustuhan na niya. Parang hindi siya ganu’n kabado.
“Pag kausap ko ang misis ko, she’s very reflective na, ‘Ayan, maging nanay na ako. Kaya ko ba ‘to?’
“Normal lang naman yata ‘yun. Nandu’n ‘yung konting kaba, may kahalong excitement.
“Eh sinasabi ko naman sa kanya, ‘Ang aso nga natin, ang galing-galing mong alagaan, ‘yun pa kayang anak mo?’” pahayag ni Ogie.
Muling nagsama sina Ogie at Manilyn Reynes sa bagong fantaserye ng GMA 7 na Daldalita at napag-usapan nila ang mga hirap na pinagdaanan ni Mane nu’ng nanganak ito.
“Oo nga. Grabe ang pinagdaanan niya. At least she’s okay now na napaka-cute ng baby niya,” pakli ni Ogie.
“Pero alam mo ang pagbubuntis, ganu’n talaga. Kumbaga, hangga’t di lumalabas ‘yung bata, ‘yung there are many possibilities.
“Eh kami ng misis ko, talagang dasal lang. Dasal lang ang aming kakampi. Kumbaga, things are beyond your control,” sabi pa ni Ogie.
Madalas na pinag-uusapan nila ni Manilyn sa taping ng Daldalita ang tungkol sa parenting at kung paano mag-alaga ng baby.
Ito nga palang Daldalita ay sa Lunes na magsisimula bago mag-24 Oras.