Ogie at mani pakakantahin sa serye


Para hindi naman masayang ang talento na kung saan ay nakilala sina Ogie Alcasid, Manilyn Reynes, Marc Abaya, Julie Ann San Jose, Donna Cruz, Elmo Magalona, at Timmy Cruz, linggu-linggo ay magkakaroon ng production ang Daldalita, isang bagong teleserye ng GMA 7 na magsisimulang mapanood sa Oct. 15.
Tampok sina Ogie at Jilliard Ward bilang mag-amang pinaghiwalay ng pagkakataon.
Direktor ng serye si Don Michael Perez, ang direktor ng Trudis Liit na kung saan ay nagawa niyang big star si Jillian Ward. Ginawa rin siyang direktor ng Bantatay na kung saan ay pinaarte niya ang isang aso. Itinuturing niyang pinakamalaking hamon sa kanya itong Daldalita dahil kailangang mapagtagumpayan niyang mapagsama-sama sa isang palabas ang isang hitmaker, iisang child wonder at iba’t ibang klase ng mga nagsasalitang hayop.
Tatlo sa mga ito ay magkakaroon ng major roles sa serye, sina Daisy Duck, Bobby the pig, at Kirat, the mouse na bibigyan ng boses nina Candy Pa­ngilinan, Mike Pekto Nakua, at Wally Bayola.