Kahit nasa Amerika pa, Manny magsasalita sa binyag ng ‘anak’


May mga kakilala ako na aabangan ang Manny Many Prizes ngayong gabi dahil hoping sila na magsasalita si Congressman Manny Pacquiao tungkol sa isyu na ibinibintang sa kanya, na siya raw ang ama ng anak ng isang Kat Ordoñez.
Nasa Amerika si Papa Manny pero bago pa man pumutok ang balita, naka-schedule siya na umapir sa Manny Many Prizes sa pamamagitan ng Skype. Eh nagkataon na lumabas noong nakaraang Sabado ang mga litrato ng binyag ng bagets kaya may panibagong isyu na ipasasagot sa Pambansang Kamao.
Wait and see na lang tayo sa mga susunod na kabanata. Magsasalita ba si Papa Manny o dededmahin na lamang niya ang isyu para hindi na ito lumaki?