Jake against other tweens eyeing Bea

Nadi-develop na rin ang feelings ni Jake Vargas sa ka-loveteam niyang si Bea Binene. Matagal na rin kasi niyang nakakasama ang tween star kaya naman hindi na niya itinatago ang pagkakaroon niya ng crush sa bagets.

“Mabait siya at minsan, tini-text niya ako para kumustahin si mama,” sey ni Jake nang makausap namin sa taping ng Pahiram ng Isang Ina na malapit na ring magtapos.

Bedridden pa rin ang mother niyang may colon cancer na nasa Olongapo City. Kapag bumibisita siya, madalas niya itong kuwentuhan.

“Okey naman si mama. Normal pa ‘yung pagsasalita niya at malakas naman. Ganoon pa rin. Kaso lang, malaki talaga ang pinagbago ng katawan,” kuwento pa ng tween actor.

Breadwinner ng pamilya si Jake kaya naman ngayong Pasko, pinaglalaanan na niya ng regalo ang walo niyang kapatid. Although nakakaipon naman siya para sa sarili, plano niyang tapusin ang fourth year high school niya.

Sa pagsuporta sa pamilya, hindi ba siya nakakaramdam ng kapaguran?

“Hindi po. Medyo mahirap pero kinakaya ko po!” tugon niya.

Mabuti na lang at nasa likod niya si Kuya Germs na hindi siya kinukuhan ng komisyon sa mga trabahong binibigay sa kanya. Madalas nga lang na payo ng Master Showman sa kanya na ilagay sa lugar ang pagkakaroon ng girlfriend.

Teka nga pala, anong reaksyon niya‘t pinupuntirya ng ibang Tween actor si Bea?

“Hindi ko siyempre papayagang mapuntirya siya ng ibang tweens. Kasi bata pa po si Bea! Masyado pang bata!” sagot ni Jake.