Iza willing to quit showbiz for her future husband

 
Nakakangiti na ang magandang actress/TV host  na si Iza Calzado.

Meaning, naka-move on na siya sa naudlot na pagmamahalan nila ng kanyang boyfriend. Ayon na rin kay Iza, sa ngayon ay ayaw na muna niyang makipagre-lasyon.

“Career muna at saka na ang pakikipag-boyfriend ulit,” say ni Iza.

Pero bukas naman daw ang aktres sa pakikipag-date. Handa na ba si Iza na iwanan ang showbiz sakaling makatagpo na siya ng lalaking maghaharap sa kanya sa dambana?

“Handa akong mag-quit sa showbiz basta ba worth ang lalaking mapapangasawa ko,” say pa ni Iza.

Nilinaw din ni Iza ang balitang paglipat niya sa TV5.

Ayon sa kanya, malabong mangyari  ito  dahil pumirma ulit siya ng kontrata sa GMA7 kung saan may bago siyang show, ang Showbiz Exclusive sa Channel 11.