Tween Hearts extended up to the first week of January 2012


Uso ang extension ng mga show sa GMA 7 at isa rito ang Tween Hearts na extended up to the first week of January 2012. Kaya tuwang-tuwa ang buong cast at pati na ang staff dahil siguradong may talent fee at suweldo sila hanggang next year.
Good news din na ang Tween Hearts lang ang magtatapos dahil ang sabi, ang new story ay sila rin ang cast, although may mga maaalis at madadag­dag sa cast.
Sa bagong season, ipalalabas ang bagong OBB o Opening Billboard sa direction ni Dominic Zapata gamit ang theme song ng show na Everytime ni Frencheska Farr. Kundi Sept. 18, sa Sept. 25 ito ilo-launch kasama ang 17 cast members ng show.--Nitz Miralles