Rufa Mae at Boy 2, nagma-monkey business?


Nilinaw na nga ni Rufa Mae Quinto ang tungkol sa nababalitang ugnayan nila ni Boy 2 Quizon. Natawa nga si Rufa Mae dahil nabigyan daw ng malisya ang para­ting pagsasama nila ng apo ng Comedy King na si Dolphy. Nabanggit nga niya na business partners sila ni Boy 2 at kung makita man silang magkasama, ibig sabihin no’n ay may negosyo silang inaasikaso, dito man o sa ibang bansa.

“May negosyo kami ni Boy 2. May kinalaman sa mga events, advertising at TV production. May iba pa kaming mga partners sa negosyo. Kaya madalas kaming magkasama ni Boy 2 dahil may kinalaman iyon sa business namin. Legal na business at hindi monkey business huh!” sabay tawa ni Rufa Mae.


Pero pinagdiinan pa rin ng aming source na more than just business partners daw ang dalawa. As in may something special daw ang dalawa talaga.


“Sa totoo lang, ayoko munang isipin ang pasukin ang relasyon.

Nakaka-two weeks pa lang na wala si Mama Lucing, kaya medyo depressed pa rin ako.

“Hindi lang naman si Boy 2 ang nandiyan para i-comfort ako.

‘Yung buong Bubble Gang ay nandiyan para pasayahin ako especially tuwing tapings namin.

“Huwag nilang i-single out si Boy 2 dahil kaibigan siya talaga. Ayoko munang isipin ang anumang possibility na ma­ging kami. But who knows, ‘di ba? Single ako, single din siya. Hindi natin masasabi. Sa ngayon, partners sa business pa lang si Boy 2,” pagtatapos pa ni Rufa Mae Quinto.--Ruel Mendoza