Mike Tan kinarir ang acting workshop


Samantala, tuluy-tuloy rin ang taping ng isa pang dramarama sa hapon na Kung Aagawin Mo ang Langit.
Kuwento ni Kuya Lhar Santiago, nadalaw niya minsan ang taping ng naturang drama series at napabilib siya sa galing ni Mike Tan.
Naabutan niya ang isang madramang eksena ni Mike at nagulat siya sa aktor.
Pagkatapos ng Trudis Liit ay ngayon lang uli nabigyan ng isa pang pagkakataon ang aktor kaya pinaghandaan niya ito nang husto.
Kinarir niya ang workshop para hindi siya mapahiya sa co-stars niya.
Todo ensayo ngayon si Mike bilang pagha­handa sa pagrampa niya sa Cosmo Bachelor Bash sa September 15 sa World Trade Center.--Gorgy Rula