Mike ’di nakilala dahil sa kapayatan


Hindi ko nakilala si Mike Tan sa picture niya sa Cosmomen ng Cosmopolitan magazine dahil pumayat siya ng husto. Sineryoso ni Mike ang pagbabawas ng timbang dahil sa kanya ibinigay ang role ni Paulo Avelino sa bagong afternoon drama show ng KapusoNetwork.
Si Mike ang lead actor ng programa na pagbibidahan nina Carla Abellana at Michelle Madrigal. Challenging ang role dahil siya ang bidang lalaki na pag-aagawan ng dalawang babae.
Ayaw ni Mike na mapahiya sa GMA 7 at sa pagtitiwala na ibinigay sa kanya.
Nag-promise siya na magpapapayat at magkakaroon ng complete make over para ibang Mike ang mapanood ng mga viewers.