Ken Chan doesn't mind playing bad boy roles in teleseryes
PEP |
Si Ken Chan ay gumaganap na Mckenzie sa Tween Heartsseries ng GMA-7.
"Parang ang pagpasok ko po dun, naging love triangle po ako, pumasok po ako sa buhay nina Barbie [Forteza] at ni Joshua [Dionisio].
"Pero ngayon po papasok na ang second season maiiba na po ang magiging role ni Mckenzie, ang magiging personality niya.
"Magiging bad boy, pero later on magiging mabait siya dahil sa isang babae, si Yassi Pressman po," umpisang kuwento ni Ken sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Nung ka-triangle siya nina Barbie at Joshua, naka-experience ba siya ng galit mula sa mga JoshBie fans?
"Meron po, hindi po maiiwasan yun, e. Yung iba po minsan personal na e, kunwari sa FaceBook, sa Twitter, 'Umalis ka na diyan, hindi ka bagay diyan!' mga ganun ang [nababasa] ko.
"Sabi ko okay lang yan kasi hindi naman natin maiiwasan, tsaka JoshBie yun e, malakas, marami na ang humahanga sa kanila, ako, bago pa lang ako."
Ibig sabihin effective siyang kontrabida.
"Iyon nga po e, sabi ko siguro effective ako kasi nagagalit sila, naiinis, pero may iba naman na nagtatanggol na 'Role lang naman niya yan.' At tsaka buti na lang po ang staff ng Tween Hearts, e, nagdesisyun na huwag na lang akong i-love triangle at bibigyan na lang ako ng ka-loveteam which is Yassi."
Nasa Tween Academy: Class of 2012 movie rin si Ken.
"Ang role ko po dun, kaibigan ni Alden Richards."
Napapanood rin si Ken sa Master Showman Presents: Walang Tulugan.
"Siguro mga nasa three months na ako dun. Regular na po ako every Saturday saWalang Tulugan.
Kumakanta siya at sumasayaw doon, pero acting raw talaga ang hilig niya.
"Mas kumportable po ako sa acting. Between dancing and singing, mas kumportable po ako sa pagsayaw."
KEN'S IDOLS. Ang idolo ni Ken...
"Ang lagi kong iniisip kung sino ang gusto kong maging, talagang si John Lloyd Cruz talaga! Siya po talaga, e. Yung pag-iyak, yung pag-arte.
"Hindi ko naman po kinokopya lahat, pero tinitingnan ko lang, parang gusto kong i-pattern yung pag-arte ko sa kanya, ayoko naman siyang gayahin pero yung arte niya talaga, ang galing!
"Wala akong masabi kaya iniidolo ko po talaga si John Lloyd Cruz."
Sa mga artistang babae, bukod kina Barbie at Yassi, nais naman niyang maging leading lady si ...
"Si Rhian Ramos po talaga. Pero kung pagdating sa aktingan gusto ko talaga si Toni Gonzaga kasi ang galing, e. Kahit ano, magpatawa, mag-drama, kaya niyang gawin, which is why pangarap ko talagang makatrabaho siya."
Hindi pa raw niya nami-meet si Toni, pero si Rhian?
"Na-meet ko na po nung nag-guest ako sa Manny Many Prizes."
CUTE CONTRAVIDA. Nasa Time of My Life rin si Ken.
"Ako po si Rudolph, kontrabida po ako nina Mark Herras. Una po, kagrupo ko sila, kakampi, tapos parang nagkagusto ako kay Shane [played by] Kris Bernal. Binabastos ko po siya, ni-reject po niya ako, mas lalo ko pa siyang binastos, nagalit sa akin yung buong grupo.
"Umalis ako sa grupo nila at pagbalik ko, sa ibang grupo na ako—kina Zaira [played by] LJ Reyes po. So medyo bad boy po ako dito."
Okay lang kay Ken ang bad boy roles?
"Iyon nga po e, ang tawag nila sa akin, kontrabida daw po ako.
"Hindi naman po ako talaga kontrabida na masamang-masama, pero tinatanggap ko na lang siguro yung nakikita ng mga tao and siguro effective naman po yung pagkaka-arte ko kahit papaano. Natutuwa naman po ako dun."
Eighteen years old si Ken at kumukuha ng kursong Tourism sa La Salle-St. Benilde pero...
"Nag-leave of absence po muna ako last year, pero this coming term, kukuha po ako ng mga ilang units lang. Incoming third year na po ako.
"Last year ko na rin po ito, after one year, then tapos na po ako ng college.
"Three years and one term po ang course ko."
Bakit Tourism?
"Isa po sa mga dahilan, mahilig akong mag-travel, tapos kaya ko po gusto ng Tourism kasi ang daming benefits pag naging flight attendant ka. Ang dami kong naririnig, yung mga tita ng mga friends ko, flight attendant, ang laki ng suweldo daw, naibibiyahe yung pamilya, yung dad at mom mo, tapos ang daming mga gift checks.
"Parang nawili ako, parang sabi ko 'Wow, gusto ko ito, ah!'
"Magiging masaya po ako sa ganung trabaho hindi nakakainip, lagi kang nasa ibang lugar."
Pero sa showbiz muna siya...
"Opo dito muna ako."
Na-discover si Ken ni Rams David...
"Yung dad ko po, at si Tito Rams po, e, magka-schoolmate before. Sila muna ang magkakakilala tapos in-approach po ng parents ko si Tito Rams, kung puwede daw po akong i-manage. Lucky din naman po na pumayag si Tito Rams na i-manage ako."
Wala ba siyang anumang experience sa showbiz?
"Wala po talaga, pero nag-umpisa po talaga ako sa commercial, tsaka sa Candymagazine po, as Candy Cutie po nung 2010.
"First commercial ko po is Jollibee Jolly Hotdog with Sarah Geronimo. Ang pinaka-recent na commercial ko po is yung Nescafe 3 in 1 Sweet and Mild. Ako yung leading man doon."
Five months pa lang si Ken sa showbiz pero nakaka-tatlong shows na siya sa GMA at mga TV commercials.
"Dahil po kay Tito Rams iyan kaya nagpapasalamat po ako sa manager ko. Sobrang thankful po ako sa pagtulong niya sa akin."