Hiro, aagawin si Julianne sa pinsang si Elmo

Bukod sa ka-love team na si Kim Komatsu, type rin ng future matinee idol at regular mainstay ng Mastershowman na si Hiro Magalona ang ka-love team ng kanyang pinsan (Elmo Magalona) na si Julianne San Jose.

“Noon pa man crush ko na talaga si Julianne, pero type ko rin ’yung ka-love team ko na si Kim.”

Feel daw ni Hiro ang magandang height, morenang kutis, at boses ng singer/actress. Everytime nga na nakikita ni Hiro si Julianne kapag may guesting ito ay hindi nito maiwasang mapangiti.

“’Pag  may guesting nga ako at nakikita ko rin si Julianne napapangiti talaga ako kasi ang ganda-ganda niya, maganda ’yung kulay niya, at saka kapag kumakanta siya parang dinuduyan ako ng anghel ha ha ha, ganda ng boses niya talaga.”

Pero tsika ni Hiro, hindi naman porke’t crush niya si Julianne ay liligawan na nito ang young singer/actress, dahil alam naman nito na ka-love team ng kanyang pinsan si Julianne. Wala naman sigurong masama kung humanga siya sa magandang dilag na nagtataglay ng mala-anghel na tinig.

“Pero crush lang naman, wala naman akong balak ligawan siya, kasi mas concentrated ako sa career ko, bukod pa sa ayaw ko namang mapagbintangan na nang-aagaw ng ka-loveteam, dahil mayroon naman.--
 John Fontanilla