Marian at Aga, pinaplantsa na ang sobrang daring na movie!


Jun Nardo

Pinaplantsa na ang pelikulang pagtatambalan nina Aga Muhlach at Marian Rivera sa Regal Films. Binabalangkas na ang kuwento nito na galing kay Aga tungkol sa kakaibang love triangle na akmang-akma sa sa kasalukuyan.

May mga artista nang tina-target para makasama nina Aga at Marian, pero off the record muna. Kapag naaayos na ang story at casting, masasabing ito na ang pinaka-daring na pelikulang gagawin nina Aga at Marian, huh!